Ang DeFi lending protocols ay naiiba sa mga bangko sa kadahilanang ang buong protocol ay lubos na on-chain at hindi kontrolado ng mga sentralisadong entity. Nangangahulugan ito na ang pagkakaiba ng rate sa pagitan ng pagpapautang at paghiram ay maaaring maging mas maliit kaysa sa tradisyunal na pananalapi, dahil ang buong proseso ay mas mainam na tumatakbo sa mga smart contract ng walang tagapamagitan na tao.
Dapat nating tandaan na mayroon ding mga sentralisadong kumpanya ng pagpapautang at paghiram sa crypto, ang mga ito ay nag-aalok din ng mas mainam na pagbabalik kaysa sa tradisyunal na bangko dahil sa mas mataas na kahusayan sa pakikitungo sa mga cryptocurrency kumpara sa fiat. Gayunpaman, kinakailangan pa rin nitong magtiwala ka sa mga kumpanya at sumailalim sa KYC (Know Your Customer) na pagsusuri, na naglalantad sa iyong pagkakakilanlan. Sa DeFi, sa kabilang banda, kailangan mo lamang magtiwala na ang smart contract ay maayos ang pagkasulat at hindi nagtataglay ng anumang bugs, at maaari kang humiram o magpahiram na hindi maglalantad ng anuman maliban sa iyong public wallet address.
Compound at Aave
Upang maipaliwanag kung paano gumagana ang pagpapautang at paghiram, maaari nating gawing halimbawa ang Compound at Aave, ang dalawa sa kasalukuyang pinakatanyag na protocols. Ang dalawa ay parehas na gumagana pagdating sa paghiram: ang isang user ay nagdedeposito ng kolateral sa protocol (sa anyo ng isang partikular na token), at tumatanggap ng pautang sa isa pang token.
Dahil sa volatility ng crypto, ang mga DeFi loan ay laging overcollaterized. Ibig sabihin nito, halimbawa, kung gusto mong humiram ng 1000 USDT gamit ang ETH bilang kolateral, kailangan mong mag-deposito ng ETH na may halagang 1250 USD. So bakit kukuha ng loan ang isang tao kung ang kolateral ay mas mataas sa halaga ng uutangin (bakit hindi nalang sa halip ibenta ang kolateral)? Ang pangunahing rason ay ang isang tao ay nangangailangan ng pondo para harapin ang ilang mga hindi inaasahang pangyayari, o kaya naman ay pataas ang presyo sa stock ng kanilang pang-kolateral na token kaya ayaw nila itong ibenta. Isa pang maaaring dahilan ay mayroon ding mga benepisyo sa buwis sa pagkuha ng pautang kumpara sa pagbebenta ng crypto.
Pagdating sa pagpapautang, ang pangunahing prinsipyo ng Compound at Aave ay magkapareho, ngunit naiiba ang pagpapatupad. Sa parehong kaso, ang isang user ay nagbibigay ng asset sa protokol at ang asset na ito ay ginagamit para sa pautang. Bilang kapalit para sa mga tokens na ibinigay, ang protokol ay naglalabas ng mga bagong token na nagrerepresenta sa mga asset na ibinigay plus interest (at maaaring mailipat kagaya ng ibang mga token). Kapag ang mga asset na ito ay naibalik, ang isang user ay nakatatanggap ng pinagbabatayan na asset plus interest para sa panahong ito ay ibinigay.
Ang pagkakaiba ng Compound at Aave ay ang ratio sa pagitan ng mga naibigay na token at mga token na natatanggap ng gumagamit (ang mga tawag dito ay cTokens sa Compound at aTokens sa Aave). Sa Compound, ang exchange rate ay unti-unting tumataas sa paglipas ng panahon (hal. Ang isang gumagamit ay tatanggap ng 500 cETH tokens para sa 1 ETH, at sa pagtubos dito makalipas ang isang taon, makatatanggap sila ng 1.1 ETH para sa kanilang 500 cETH dahil sa pagbabago ng exchange rate). Sa Aave, ang mga aTokens ay iniisyu at tinutubos sa isang 1:1 na ratio sa mga naibigay na tokens, at ang protocol ay nagbibigay ng gantimpalang interes sa pamamagitan ng patuloy na pagtaas ng aToken balance ng gumagamit.