Sa kadahilanang ang mga NFT ay isang mainam na aparato para kumatawan ng pagmamay-ari ng mga kakaunting digital na asset mayroon din silang mahalagang papel na gagampanan sa hinaharap ng paglalaro, virtual reality (VR) at sa konsepto ng 'The Metaverse'.
Ang mga item na pagmamay-ari ng mga manlalaro sa mga video game at online na mundo ay hindi bago: kagaya halimbawa sa mga custom na skin sa mga laro tulad ng Fortnite, mga bihirang armas at armor sa mga MMORPG tulad ng World of Warcraft, o mga damit at kasangkapan sa virtual na mundong Second Life. Gayunpaman, ang mga item na ito ay palaging umiiral sa loob ng ‘‘walled garden’ ng isang partikular na laro. Ang kanilang patuloy na utility at existence ay nakasalalay sa kagustuhan ng developer na panatilihin ang digital na kapaligiran kung saan naninirahan ang mga item.
Higit pa rito, ang mga item na ito ay tradisyonal na naa-access lamang sa pamamagitan ng mga channel na umaasa sa pagtitiwala sa iba: isang opisyal ng in-game store, mga espesyal na pera na partikular sa laro, o kahit na sa mga negosasyon sa pagitan ng mga indibidwal na manlalaro sa pamamagitan ng mga online na forum. Ang pag-tokenised ng isang item, sa labas ng mga limitasyon ng anumang laro o virtual na mundo, ay nagbibigay-daan para sa trustless ownership ng mga portable digital asset, na maaaring magamit sa anumang kapaligiran kung saan sinusuportahan ang item.
Habang lumalaganap ang mga NFT sa gaming, magagawa ng mga developer ang composability sa pagitan ng mga pamagat, genre at maging ng mga platform. Magbibigay-daan ito sa mga gamer na mapanatili ang isang seamless virtual identity, halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang 'Bored Ape' na PFP mula sa social media bilang kanilang gamer profile, o kahit na ang paglipat ng mga damit at kagamitan ng kanilang avatar mula sa isang laro patungo sa isa pang laro. Ito ay isang aspeto ng maraming pangitain kung paano mabubuo ang isang 'metaverse' sa hinaharap.
Ang pagdating ng mga NFT ay nagtulak din sa isang bagong umuusbong na modelo ng paglalaro.
Kasunod ng mga unang larong free-to-play, at sinundan ng mga pay-to-win mechanics batay sa microtransactions, lumitaw ang isang bagong modelo ng play-to-earn (p2e). Sa mga larong p2e, ang mga manlalaro ay gumagamit ng mga NFT na may iba't ibang istatistika o kakayahan, na kumikita ng cryptocurrency batay sa pagganap o bilang mga premyo. Kabilang sa mga sikat na laro ng NFT na may mga reward na cryptocurrency ang Axie Infinity, kung saan ang mga manlalaro ay nagbi-breed at nakikipaglaban sa mga team ng mga nilalang na kilala bilang Axies (bawat isa ay kinakatawan ng isang NFT), at Sorare, isang fantasy football game na may opisyal na lisensyadong player card.
Dahil maaaring napakamahal na magkaroon ng sariling competitive teams sa mga larong ito, nabuo ang isang sistema ng pag-sponsor. Ang mga 'scholarship' na ito ay isang kaayusan sa pagitan ng isang 'manager', na nagmamay-ari ng mga NFT, marahil bilang isang pamumuhunan, at isang 'scholar'. Pinapahiram ng manager ang paggamit ng kanilang mga NFT sa scholar, na ginagamit ang mga ito para maglaro ng p2e game at hinahati nila ang mga nalikom na tokens bilang nakuhang premyo sa laro. Sa ganitong paraan, binabayaran ang iskolar para sa kanilang matagal na 'trabaho' sa paglalaro, at ang manager ay tumatanggap ng passive return sa kanilang investment. Ang mga ganitong uri ng relasyon ay partikular na sikat sa mga bansang mababa ang kita kung saan ang paglalaro ng p2e game ay maaaring paminsan-minsan ay mas kumikita ng mas malaki kaysa sa pagtatrabaho sa pinakamababang sahod.
Dahil ang mga larong ito ay nasa kanilang kamusmusan pa lamang, at marami ang higit na nakatuon sa tokenomics kaysa sa mekanika ng laro, sa katagalan ay hindi na nagiging partikular na nakakaaliw ang laro. Ang gameplay ay karaniwang paulit-ulit at ang iba pang mahahalagang aspeto ng kasiya-siyang mga laro tulad ng mga storyline o graphics ay medyo nahuhuli. Ang kanilang napakalaking katanyagan, lalo na mula sa mga iskolar na gumagamit ng mga ito upang madagdagan ang kita, ay nagpalabnaw sa sistema ng mga gantimpala na naging dahilan kung saan ang pinansyal na insentiba ay unti-unting nababawasan sa paglipas ng panahon.
Ang mga larong p2e na nakabase sa NFT ay malayo pa ang lalakbayin bago mabayaran ang mga manlalaro para talagang tunay na 'gawin ang gusto nila', ngunit habang lumalayo ang focus mula sa pagkuha ng reward token patungo sa mas kasiya-siyang karanasan, magkakaroon ng balanse sa pagitan ng paglalaro para sa kasiyahan at paglalaro para sa pagkuha ng financial rewards,