Maraming proyekto sa DeFi ang naglalabas ng mga governance token na nagbibigay-daan sa kanilang mga user na lumahok sa governance process. Ang mga token ng pamamahala ay maaari ding gumana bilang isang paraan upang ipamahagi ang mga kita ng platform, na nakakaipon ng halaga sa paglipas ng panahon batay sa mga underlying revenue.
Ang mga token na ito ay karaniwang nakukuha bilang mga gantimpala para sa mga user na nakikipag-ugnayan sa protocol, halimbawa, sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity, staking asset, atbp. Gayunpaman, maraming mga user ang mas nagtutuon sa pagpapalipat-lipat sa iba’t ibang proyekto habang hinahabol ang mga pinaka-mapagkakakitaang oportunidad, at hindi nakatuon sa pangmatagalang hinaharap ng anumang partikular na protocol.
Ang mga yield farmer ay kadalasang nagbebenta kaagad ng mga token na kanilang kinita sa open market, na naglalagay ng downward pressure sa token ng proyekto.
Upang labanan ito, nagdisenyo ang Curve Finance ng bago, mas kumplikadong tokenomic model na nagre-require sa mga user na i-lock ang kanilang mga CRV token para sa mga nakatakdang time periods upang makakuha ng buong benepisyo sa pakikilahok sa pamamahala.
Binibigyan ng Curve ang mga user ng opsyon na i-lock ang kanilang CRV para sa (vote-escrowed) na veCRV, na may mas mahabang panahon ng pag-lock na nagbubunga ng mas maraming veCRV. Ito ay may agarang epekto ng pag-alis ng malalaking halaga ng supply ng CRV sa merkado, na kapaki-pakinabang sa presyo ng token, pati na rin sa paggawa ng long-term link sa protocol at interes sa pangkalahatang kapakanan nito.
Ang veCRV na natanggap para sa pag-lock ng CRV ay hindi maaaring ilipat at ang halaga nito ay unti-unting nabubulok hanggang sa mag-expire ang locking period at ang user ay maka-reclaim ng kaniyang orihinal na CRV. Gayunpaman, ang pagmamay-ari ng veCRV ay may kasamang hanay ng mga benepisyo sa user.
Mga benepisyo sa pananalapi:
- kumikita ng bahagi sa pangkalahatang trading fee ng protocol. (50% ng mga trading fee ay napupunta sa mga may hawak ng veCRV)
- pagpapalakas ng mga rate ng anumang CRV reward na nakuha para sa pagbibigay ng liquidity (hanggang 2.5x)
Mga benepisyo sa pamamahala:
- pagboto sa mga panukala ng DAO
- pagboto sa pamamahagi ng CRV rewards (‘gauge weights’)
Ang Curve ay ang pinakamalaking protocol sa DeFi sa mga tuntunin ng TVL (Total Value Locked), ang huling puntong ito ay mahalaga hindi lamang sa user kundi pati na rin sa iba pang mga proyekto. Ang pagkakaroon ng impluwensya sa kung saan nakatuon ang emission of rewards ay nakakatulong sa mga proyekto sa pag-akit ng higit na liquidity sa ilang partikular (i.e. kanilang sariling) pool.
Ang mga indibidwal na gumagamit, gayunpaman, ay maaaring magkaroon ng mga problema sa pag-maximize ng kanilang yield gamit lamang ang kanilang sariling resources at veCRV, maraming mga user ang magkakasamang nakakapag-concentrate ng mga boost at nagpapataas ng mga yield habang sabay-sabay na hinahati ang mga gastusin (mga bayarin sa gas) na may kaugnayan sa compounding. Ang isang pormal na istraktura para sa prosesong ito ng pag-optimize ay kilala bilang isang yield aggregator.
Ang mga aggregator ng yield, gaya ng StakeDAO o Convex, ay gumawa ng mga modelo sa paligid ng akumulasyon ng CRV. Sa pamamagitan ng pag-iipon at pag-lock ng CRV, pati na rin ang pagbibigay-insentibo sa mga user na i-stake ang kanilang mga Curve LP token, ang protocol ay nakakakuha ng karagdagang halaga mula sa Curve. Pagkatapos ay maipapasa nila ito sa anyo ng mga matataas na APY nang hindi nangangailangang i-lock ng mga user ang kanilang mga token para sa extended time periods.
Dahil sa halaga ng impluwensyang ibinibigay ng veCRV, nabuo ang isang sistema ng on-chain bribe at token delegation kung saan binabayaran ng mga proyekto ang mga user, o ang isa't isa, para sa kanilang veCRV voting power. Ang labanan na ito para sa akumulasyon ng veCRV ay nakakaimpluwensya sa pinakamahalagang protocol sa DeFi na kilala bilang ang Curve Wars.
Ang labanan para makakuha ng impluwensya sa mga token emission ng Curve ay nagpapakita rin ng problema sa pagiging sentralisado ng kapangyarihan sa paggawa ng desisyon sa paligid ng mga may pinakamaraming veCRV. Sa kabila nito, ang konsepto ng isang 'vote-escrowed Token' ay isang makapangyarihang tool at maraming proyekto ang nagsama, o nagpaplanong isama ang modelong ito sa lalong madaling panahon.