Ang isang NFT, o isang 'non-fungible token', ay isang partikular na uri ng blockchain token na hindi mahahati sa mas maliliit na fraction (hindi katulad ng mga currency). Ang mga NFT ay isang makabuluhang pagbabago para sa internet sa pangkalahatan, dahil nakatutulong ang mga ito na kumatawan sa pagmamay-ari ng mga natatanging digital asset sa blockchain. Ito ay lubos na kaibahan sa paraan ng pag-unawa sa mga digital asset sa kasaysayan, dahil napakadaling gumawa ng maraming kopya ng isang digital na file, hindi katulad sa pisikal na mundo kung saan ang pagkopya ng isang natatanging bagay hanggang sa pinakamagagandang detalye nito (lalo na ang sining) ay halos imposible.
Ang fungibility ay isang ideyang pang-ekonomiya, kung saan kapag ang isang bagay ay fungible, ito ay nangangahulugan na ito ay madaling palitan ng isa pang bagay na may kaparehong detalye at halaga at hindi ito nagtataglay ng unique na halaga sa sarili nito. Ang mga kalakal at pera ay isang magandang halimbawa ng mga fungible na bagay. Ngunit maraming bagay na mahalaga sa tao at kultura, tulad ng mga relasyon, sining at pagmamay-ari ay lubhang natatangi at hindi madaling mapapalitan. Ang mga NFT, samakatuwid, ay nag-aalok ng isang modelo ng pagkopya ng mga katangian ng mga real-world, non-fungible na bagay na ito sa internet - na ginagawang mas madaling subaybayan ang kanilang publikasyon, paggalaw at pagmamay-ari.
Ang mga NFT ay sumikat nang dahil sa kakayahan ng mga artista na maipamahagi ang kanilang mga gawa, at mabayaran nang buo na may kaunti o walang paglahok ng sinumang middlemen. Ito ay, sa katunayan, isang radikal na pagpapabuti sa kung gaano ka-viable (maaaring gawing matagumpay na pagkakakitaan) ang isang malikhaing larangan sa sinumang nagnanais na magtrabaho dito. Gayunpaman, dapat nating mapagtanto na isa pa rin itong nascent (baguhan pa lamang ngunit nagpapakita ng potensyal para sa darating na panahon) na aplikasyon ng kung ano ang inaalok ng mga NFT. Sa kanilang esensya, ang mga NFT ay nagbibigay ng isang secure na pagtanggap ng unique pagmamay-ari ng anumang bagay na maaaring katawanin nang digital. Habang tayo ay patungo sa mga digital na network na kumukuha at nagpapahayag ng halaga ng tunay na mundo nang mas detalyado, makakakita tayo ng mga bago at makapangyarihang paraan kung saan maaaring gamitin ang mga NFT, mula sa mga espasyo tulad ng sining, media at publikasyon hanggang sa real estate, transportasyon at fashion.
Sa Stake DAO, inilunsad namin ang aming unang serye ng mga card style NFTs na maaaring kolektahin at umaakma sa mga istratehiya at iba pang mga tool sa paglikha ng yaman na available sa platform. Ang ideya ay gantimpalaan ang komunidad ng mga collectable para sa kanilang aktibong pakikilahok at upang pagyamanin din ang kultura sa paligid ng DAO.