Ang mga liquidity pools, sa kanilang pinakasimpleng anyo, ay ang kolektibong pool ng mga pondo na ginagamit upang magbigay ng liquidity para sa isang merkado at bumuo ng mga gantimpala bilang kapalit.
Ang liquidity ay isang mahalagang katangian ng anumang merkado, kasama na dito ang trade-off sa pagitan ng kung gaano kabilis maibebenta ang isang asset at sa kung magkanong halaga. Sa kasaysayan, ang cash ay maituturing na isa sa pinaka-liquid na asset, dahil maaari itong agarang maipamalit sa mga kalakal at serbiyso na walang pagkawala ng halaga. Ang nasabing liquid asset ay laging may handang bumili at magbenta. Sa isang merkado na iliquid, halimbawa mababa ang liquidity, ang isang asset ay dapat na discounted upang ito ay maibenta ng mas mabilis. Ito ay maaaring mangyari dahil sa ang halaga ng asset ay walang kasiguraduhan, o dahil walang merkado para dito.
Ang mga entity na nagbibigay ng liquidity para sa isang merkado ay tinawatag na market makers. Ang kanilang pangunahing serbisyo ay ang payagan na mabilisang maisakatuparan ang isang transaksyon, sa pamamagitan ng pag-absob sa buy and sell order. Ang kanilang presenya ay napakahalaga para sa kalusugan ng merkado, dahil umaakma sila sa katangian ng mga speculator. Ang mga speculator ay nagtatrabaho batay sa pagbili at pagbenta ng mga asset para sa iba’t ibang tagal ng oras, batay sa kanilang hula kung paanong ang presyo ng isang asset ay maaaring magbago sa hinaharap.
Sa DeFi, ang isang aplikasyon ng mga liquidity pools ay maituturing na AMMs (Automated Market Makers), na nagtataglay ng mga pinagsamang pondo upang magbigay ng liquidity sa isang merkado at pagkatapos ay ipamahagi ang kanilang mga gantimpala sa mga nagbibigay sa pool. Ang mga AMMs ay mga desentralisadong alternatibo sa mga malalaking institusyong gumagawa ng merkado na nagbigay ng kaparehong tungkulin sa tradisyunal na pananalapi. Ang iba pang mga aplikasyon ng mga liquidity pool sa DeFi ay may kasamang yield farming, desentralisadong insurance at pamamahala sa pamayanan.