Ang mga cryptocurrencies ay peer-to-peer na mga digital assets na tumatakbo sa mga desentralisadong blockchain networks. Katulad ng dolyar o iba pang mga pera na inisyu ng gobyerno, maaari mong gamitin ang mga cryptocurrencies bilang pamalit sa mga kalakal o mga serbisyo sa internet, dumarami naman ang mga offline na retail stores sa buong mundo ang nagsisimulang tumanggap ng cryptocurrency.
Ang pinakakaraniwang naiulat na kalamangan ng mga cryptocurrencies (higit sa iba pang mga anyo ng pera), ay ang kanilang seguridad, pagkapribado, bilis, at mababang gastos.
Ang orihinal na cryptocurrency, Bitcoin, ay inilunsad noong taong 2009 ng isang developer na nagtago sa pangalang Satoshi Nakamoto. Sa unang pagkakataon ay naipakita sa mundo ang pinakaunang gumaganang peer-to-peer at desentralisadong digital na pera. Sa ngayon ay mayroon ng libo-libong mga magkakaibang cryptocurrencies ngunit sa kabila nito, ang Bitcoin ang nananatiling pinakamalaking cryptocurrency kung ang pagbabasehan ay ang market capitalization.