Ang Dapp (o ang desentralisadong aplikasyon) ay isang aplikasyon ng software na itinayo sa taas ng smart contracts na nakapaloob sa isang desentralisadong pampublikong network tulad ng Ethereum blockchain. Gumagana ang dapps sa pamamagitan ng paglathala ng smart contract sa blockchain na naglalaman lng lahat ng lohika ng kanilang mga proseso sa negosyo, at pagkatapos ay paglikha ng front-end (halimbawa kung saan ang mga users ay maaaring makahawak at makaramdam), ito ang naghahatid ng karanasan.
Ang tradisyunal na aplikasyon ay mayroong front-end na konektado sa pribado at sentralisadong mga server na nakaimbak sa cloud na may kumpletong kontrol sa lahat ng mga developing parties. Ang mga aktibidad sa mga server na ito ay nakatago sa publiko, at maaaring kahit na sinuman ang humula kung paano talaga pinoproseso ang mga impormasyon sa loob nito.
Ang dapp, sa kabilang banda, ay nag-aalok ng radikal na transparency kung paano gumagana ang back-end nito (halimbawa ang smart contract, taliwas sa mga pribadong server). Tinitiyak nito na alam ng mga users kung para saan talaga ang kanilang pag-sign up. Kapag nailathala ng isang developer ng dapp ang kanilang smart contract, ito ay maaari ding ma-access ng sinuman dahil sa bukas na kalikasan ng blockchain. Nangangahulugan ito na ang iba pang mga developers ay malayang lumikha ng kanilang sariling front-ends at pagbutihin o baguhin ang karanasang hatid ng orihinal na smart contract ng dapp.
Ang dapp ay nag-aalok din ng mahuhusay na benepisyo ng pagkapribado (dahil ang mga gumagamit nito ay hindi kinakailangang magbahagi ng kanilang totoong pagkakakilanlan) at paglaban sa censorship (walang entity sa network ang maaaring harangan ang dapp para sa iba). Gayunpaman, ang mga benepisyong ito ay mayroong seryosong tradeoff. Ang network performance ng mga dapp ay limitado ng natitirang mga blockchain, na gumagalaw ng mas mabagal sa sentralisadong merkado dahil sa desentralisadong disenyo nito.