Ang Blockchain ay isang teknolohiya na sumibol sa katanyagan nitong nakaraang dekada kasabay ng pagtaas ng mga cryptocurrencies at iba pang mga digital assets. Ang Blockchain, katulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay isang listahan ng tuloy-tuloy na mga blocks ng impormasyon na nakatira sa isang network ng mga computer. Ang mga bagong blocks ng impormasyon ay idinaragdag sa listahan ng ilang mga computer sa isang peryodikong batayan, at ang iba pang mga computer ay nagpapatunay ng pareho gamit ang mga espesyal na algoritmo.
Ang pangunahing katangian ng mga blockchain ay ang pagiging desentralisado ng mga ito, ibig sabihin walang sinumang computer ang maaaring makapagbago ng talaan ng mga pangyayaring nakaimbak sa chain. Nagbibigay ito sa kanila ng malakas na garantiya ng seguridad, dahil dito napapanatili sa buong network ang talaan na hindi maaring mabago. Ang mga sistemang ito ay itinayo upang hindi umasa lamang sa iisang awtoridad bagkus ay gumana sa pamamagitan ng pagbabahagi ng responsibilidad sa mas malawak na pangkat ng mas maliliit na mga kalahok.
Ang mga blockchains ay partikular na kapaki-pakinabang sa pagbuo ng basehan ng digital na pera, nakatutulong ang mga ito sa paglikha at pagpapanatili ng mga assets na mahirap makuha dahil kakaunti lamang ang bilang. Ito ay malaking kaibahan sa tipikal na pagkakaintindi sa digital data, kung saan ang pagkopya ng mga bagay-bagay ay madaling gawin.
Ang katangiang ito ng blockchain na kung saan hindi maaring mabago ang mga naitalang blocks ng impormasyon ay nakatutulong para ito ay maging lubos na angkop na teknolohiya para sa mga aplikasyong pinansyal, nagbibigay daan ito para makagawa ng mga digital assets na kakaunti lamang ang bilang.