Ang Bitcoin (BTC) ang pinakaunang sumikat na cryptocurrency, ito ay inilunsad noong Enero 2009. Ito ay naimbento ng isang pseudonymous na indibidwal (o grupo) na kilala bilang si Satoshi Nakamoto. Bilang pagkilala, ang pinakamaliit na unit ng Bitcoin ay kilala bilang ‘satoshi’, i.e. 0.00000001 BTC. Ang mga ideyang nagpasimula sa Bitcoin ay maaaring lubos na maunawaan sa whitepaper na naipublish ni Nakamoto, na ngayon ay naglalaman ng sikat na pangungusap: “Ang ugat na problema ng conventional na uri ng pera ay ang pagtitiwala na kinakailangan upang ito ay maisakatuparan. Ang bangko sentral ay mahalagang mapagkatiwalaan na hindi nito ibabagsak ang halaga ng pera, subalit ang kasaysayan ng mga fiat na pera ay puno ng mga paglabag sa pagtitiwalang ito.”
Ang Bitcoin ay gumagana sa isang Proof of Work na consensus algorithm, ang ibig sabihin nito ay ang mga computer sa network na kilala bilang mga ‘minero’ ay nag-aambag ng kanilang lakas sa CPU upang malutas ang mga problema sa matematika, bilang kapalit, sila ay ginagatimpalaan ng naaangkop na halaga ng BTC. Ang mga minero ay importante sa pagsiguro ng kawastuhan ng mga transaksyon na dumadaan sa network.