Ang mga Centralised exchange, kapwa sa tradisyunal na merkado o sa crypto, ay nag-ooperate sa pamamagitan ng order book model. Ito ay nangangahulugan na ang isang bumibili o ang nagbebenta ay naglalathala ng order, ang order na ito ay maisasakatuparan kapag ang ibang tao ay punan ito ng naaayon at kabaliktarang buy and sell order.
Ang mga Decentralized Exchange (DEXs), sa kabilang banda, ay kailangang gumana sa ibang pamamaraan. Ang pagpapatupad ng order book model sa blockchain (hal. Ang Ethereum sa kanyang kasalukuyang estado) ay hindi praktikal, dahil ang bawat transaksyon ay may kaukulang gas fee, at ang order book exchange ay nakasalalay sa kakayahang maglagay ng maraming bilang ng mga order (karamihan dito ay hindi naisasakatuparan).
Ang dalawang pinakatanyag na uri ng DEXs na mayroon tayo ngayon ay ang Central Limit Order Books (CLOBs) at ang Automated Market Makers (AMMs).