Ang address ay isang unique na lokasyon sa blockchain network na nakakatanggap, nakahahawak at nakapagpapadala ng token. Bawat address ay binubuo ng dalawang bahagi: ang pampublikong key at ang pribadong key.
Ang ideya ay ligtas na maibahagi ng malawakan ang pampublikong key upang makatanggap ng mga pondo, kahalintulad ng email address; habang nag pribadong key ay sensitibo at kailangang panatilihing pribado, at may kakayahang magpadala ng pondo sa pamamagitan ng pag-sign ng mga transaksyon, kagaya ng password.
Bawat pares ng pampublikong key at pribadong key ay inuugnay sa pamamagitan ng espesyal na cryptographic na algoritmo, na nagpapahintulot sa kanila na gumana sa paraang inilarawan sa itaas. Kapag nakasulat sa teksto, ang mga keys ay mukhang isang mahabang string ng hindi maintindihan na mga titik at numero na maaaring napakahirap tandaan. Dito kapaki-pakinabang ang mga wallet.