Paano Gumagana ang Interest Rates sa DeFi?
Ang importanteng pagkakaiba sa pagitan ng DeFi at CeFi (centralised finance) sa pagpapautang at paghiram ay ang interest rates kadalasang kinakalkula para sa bawat isang block sa chain, ayon sa supply at demand ng bawat partikular na asset. Halimbawa: kapag ang money market para sa ETH ay mas maliit kaysa sa money market ng sa DAI, at may equal na demand para sa dalawa ito, ang lending interest rate para sa ETH ay magiging mas mataas kumpara sa lending interest rate ng DAI, na nag-uudyok sa mga gumagamit na magpahiram ng kanilang ETH sa protocol.
Habang ito ay isang pagpapabuti patungkol sa karaniwang mabagal na pagbabago ng mga interest rate ng CeFi, na hindi kayang tumugon ng agaran sa mabilis na demand ng market, ito ay nangangahulugan din na kinakailangang patuloy na makasabay sa mga rate kung nais mo ng pinakamagandang performance. Ito ay nalalapat din sa interest ng paghiram, kaya kailangan mong subaybayan ang mga pagbabago upang malaman mo kung magkano ang interes na kailangan mong bayaran. Kung gusto mo naman ng mas hands-off na approach sa paghiram, nag-aalok din ang Aave ng mas matatag na borrowing instrument, na hindi nagbabago sa maikling panahon.
Hinggil sa mga praktikalidad na usapin sa pag-utang at pagpapahiram, ang dapps ay kahalintulad sa paggamit ng DEXes. Ang kailangan mo lamang ay ang wallet at puede ka nang makapag-umpisa: pumunta ka lamang sa website ng dapp, ikonekta ang iyong wallet at pumili ng token na gusto mong ipahiram o hiramin.