NFT’s bilang Art at mga Collectable

Bagama't may iba't ibang gamit ang mga NFT, ang pinakakilala at pinakalaganap na aplikasyon nito sa ngayon ay ang pagtiyak sa 'digital scarcity' ng digital art at mga collectable.

Ang mismong katangian na nagbibigay sa kanila ng kanilang pangalan, non-fungibility, ay nagsisiguro na ang bawat token ay natatangi o walang katulad. Ginagawa nitong ganap na angkop ang mga NFT na kumatawan sa pagmamay-ari ng mga digital na likhang sining at mga collectable item, na kung hindi dahil dito ay maaaring maging napakadaling makopya o maangkop.

Tumutulong din ang mga NFT sa pagsubaybay sa pinagmulan ng digital na artwork, isang proseso na maaaring matakpan sa 'tunay na mundo' ngunit ganap na ginagawang transparent sa pamamagitan ng mga rekord ng blockchain.

Tulad ng sa mundo ng tradisyunal na sining, ang mga kolektor ng mga NFT artworks ay maaaring bumili ng mga indibidwal na piraso na ang basihan lamang ay ang artistikong merito, dahil sila ay isang tagahanga ng artist, o bilang isang pamumuhunan.

Hindi tulad ng sa tradisyunal na mundo ng sining, gayunpaman, maraming mga NFT artworks ang ginawa gamit ang isang pamamaraan na kilala bilang generative art. Ang generative art ay gumagamit ng mga algoritmo na na-program ng artist, maaaring upang makagawa ng buong likhang sining o mag-assemble ng isang imahe mula sa isang bilang ng mga predetermined characteristics.

Karamihan sa mga pinakakilalang NFT art projects, gaya ng Cryptopunks o Bored Ape Yacht Club, ay mga serye ng libu-libong mga portrait na nabuo ayon sa algoritmo, na kadalasang ginagamit bilang mga social media profile picture (PFP) ng kanilang mga may-ari. Ang bawat 'punk' o 'ape' ay may ilang mga katangian, at ang bawat katangian ay may nakatalagang isang tiyak na antas ng rarity na kadalasang nakakaimpluwensya sa halaga ng NFT.

Ang mga koleksyon ng PFP na ito ay napakasikat at ang mga NFT ay lubos na hinahangad at may mataas na presyo sa mga pamilihan gaya ng OpenSea. Mayroong iba't ibang mga kadahilanan kung bakit ang isang tao ay maaaring handang magbayad ng ganoong mataas na presyo; marahil ang mamimili ay nakakaramdam ng isang partikular na kaugnayan sa isang partikular na 'Ape' o 'Punk', maaaring gusto nilang gamitin ito bilang kanilang PFP upang igiit ang kanilang reputasyon sa lipunan, o maaari ding sila ay bumibili lamang bilang isang mamumuhunan.

Ang pinakamurang pagbebenta ng isang NFT sa isang naibigay na koleksyon, karaniwang isa sa may pinakakaraniwang katangian, ay tumutukoy sa 'floor price'; ang pinakamababang presyo kung saan mabibili ang isang NFT mula sa koleksyong iyon. Ang pagkakaiba sa pagitan ng floor price at ang presyo kung saan ibinebenta ang mga rare items ay maaaring napakalaki.

Dahil sa likas na speculative nature ng mga NFT, ang paglulunsad ng isang bagong koleksyon ay madalas na nakabubuo ng malaking hype habang ang mga speculators ay nagmamadali upang makakuha sa kung ano man ang maaaring 'the next big thing'. Sa pangkalahatan, kapag inilunsad ang isang proyekto, ang mga user ay makakagawa, o 'makakapagmint', ng isang NFT para sa isang flat fee. Ito ay sa kadahilanang ang mga katangian ay hindi ipinapahayag hanggang sa ang token ay malikha; at pareho ang halaga ng common at rare examples kapag sila ay minted.

Maliban na lang kung may nakalagay na whitelist ng mga naaprubahang mamimili, karamihan sa mga koleksyon ay ginawa sa isang 'first-come, first-served' na batayan. Ang pagkakataong mag-mint ng NFT para sa mas mababang potensyal na floor price sa hinaharap ay maaaring humantong sa isang labanan sa pagitan ng mga user na mag-mint bago mawala ang buong koleksyon. Pagkatapos nito, ang mga NFT ay mabibili lamang sa pangalawang merkado, kadalasan sa mas mataas na presyo kaysa sa presyo ng mint. Ang karerang ito ay madalas na tinutukoy bilang isang 'gas war' dahil ang mga user ay handang magbayad ng mataas na gas fee para mabilis na ma-secure ang isang NFT, na nagpapasikip sa pangkalahatang blockchain process. Gayunpaman, ang mga potensyal na kita sa pamamagitan ng 'pag-flip' ng isang NFT sa pangalawang merkado, ay worth the risk para sa nakararami.

Upang labanan ito, minsan ginagamit ang isang Dutch Auction na modelo para maglunsad ng mga koleksyon ng NFT, kung saan itinakda ang mataas na 'ceiling price', dito ang mga potensyal na mamimili na handang magbayad ay maaaring makabili kaagad. Ang presyong ito ay unti-unting bumababa sa paglipas ng panahon hanggang sa maabot ang 'resting price', maliban na lamang kung ang koleksyon ay nabili bago iyon. Sa ganitong paraan, ang dagdag na pera na handang gastusin ng mga nagpapanic na mamimili sa isang gas war ay napupunta sa artista o proyekto, sa halip na mapunta sa mga minero, at nababawasan ang pagsisikip ng network.

Ang mga NFT ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga artist na direktang mababayaran at may kumpletong kontrol sa kanilang trabaho, nang hindi kinakailangang umasa sa pag-apruba ng isang pangunahing gallery o mga kritiko. Ang mga NFT artworks ay maaari ding idisenyo upang kumuha ng mga royalty sa mga future sales, na binabayaran pabalik sa artist sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, ang sinuman ay maaaring maglista ng isang NFT at may mga kaso ng mga taong walang pahintulot na nagbebenta ng mga NFT gawa ng ibang mga artist. Ang anumang lehitimong NFT ay dapat na ma-verify o i-endorso sa publiko ng artist na gumawa nito. Kung hindi, ito ay maituturing na worthless o walang halaga.

Hindi nito napipigilan ang mga masasamang aktor, gayunpaman, at ang potensyal na 'get rich quick' na syang naging napagkakilanlan sa NFT collections na naglunsod sa walang katapusang mga copycat na proyekto, mga scam, pump-and-dump scheme at phishing attacks. Unsurprisingly, ang paggamit ng mga NFT bilang mga rare and valuable status symbol ay isang mabilis na paraan upang maging isang target, tulad ng sa 'tunay na mundo'.