Anu-ano ang mga Yield-Bearing Token?
Ang isa sa mga kapana-panabik na katangian ng DeFi ay ang composability (i.e. modularity) na inaalok nito sa proyektong itinatayo sa industriya. Dahil sa permissionless nature ng mga smart contract, ang mga koponan ay nakakagawa ng mga produkto at mga strategy sa ibabaw ng bawat isa sa mga mapag-imbentong paraan.
Para sa layuning ito, maraming Dapps ang nagho-host ng iba't ibang mga vault kung saan ang mga user ay maaaring magdeposito sa mga strategy, na tumatanggap ng deposit token bilang kapalit. Ang mga token na ito ay katulad ng ibang ERC-20 token at maaaring ilipat o i-trade kung saan man mayroong market para sa kanila.
Upang kumuha ng simpleng halimbawa, sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga pondo mula sa maraming user, ang isang DeFi protocol ay maaaring paulit-ulit na muling mamuhunan sa mga kita na natanggap mula sa isa pang proyekto, isang kasanayang kilala bilang compounding. Pinatataas nito ang halagang idineposito, na humahantong sa pagtaas ng mga kita, na pagkatapos ay muling ipinamumuhunan. Nagbibigay-daan ang mga strategy sa mga user na kumita habang pinagsasama-sama ang mga bayarin sa gas na kinakailangan para sa regular na compounding. Sa ganitong paraan, makakamit ng mga user ang isang mas mataas na kita kaysa sa magagawa nila sa kanilang sariling mga pondo.
Ang underlying yield ay maaaring magmula sa pagpapautang, pagbibigay ng liquidity, mga writing option, atbp. at, sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-accumulate ng strategy, ay nananatiling kinakatawan ng mga token na unang natanggap ng user noong nagdeposito sa strategy.
Bagama't ang user ay wala nang matatanggap na karagdagang mga token ng deposito pagkatapos ng kanilang unang deposito, ang halaga ng mga token na ito ay patuloy na tumataas, kung kaya’t ito ay pinapangalanang yield-bearing tokens. Kapag ang user ay mag-withdraw na ng kanyang mga pondo mula sa strategy, makakatanggap siya ng higit pa sa asset na orihinal niyang idineposito.
Sa Stake DAO, ang underlying yield ng bawat strategy ay 'inaani' nang maraming beses bawat linggo. Pinapataas nito ang halaga ng mga idinepositong token, at ang Price Per Share ay maaaring masubaybayan sa Strategies tab.
Sa pamamagitan ng pag-multiply sa bilang ng mga Shares (hal. ng sd3Crv) sa Price Per Share, at pagkatapos ay sa presyo ng underlying asset (sa kasong ito, ang virtual na presyo ng 3Crv on Curve) ay masusubaybayan ang halaga ng pamumuhunan ng isang tao.
Sa oras ng pagsulat, ang 1000 sd3Crv, sa kasalukuyang Price Per Share ng 1.082 at 3Crv virtual na presyo na $1.02, ay nagkakahalaga ng:
1000 * 1.082 * 1.02 = $1103.64
Ang mga yield-bearing token ay ginagamit din ng mga proyekto upang patuloy na ipamahagi ang mga protocol earning sa kanilang mga user sa pamamagitan ng mga governance token. Halimbawa, sa Stake DAO, posibleng i-stake ang SDT, na tumatanggap ng xSDT bilang kapalit. Ito ay isang yield-bearing token na, maliban sa pagbibigay ng pahintulot sa mga user na bumuto, ay kumikita rin ng isang bahagi ng mga bayarin na nabuo sa buong platform ng Stake DAO.
Isang tala sa mga pangalan ng token:
Sa kadahilanang ginagamit ng maraming strategy ang ibang mga asset ng iba pang mga project, karaniwan nang makakita ng mga kumplikadong pangalan ng token na kumakatawan sa mga paraan kung saan ang mga strategy at project ay nakasalansang kahalintulad ng Lego blocks.
Madalas nating matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng mga token ayon sa mga prefix na ginamit, halimbawa: sdam3crv
Ang token na ito ay kumakatawan sa mga deposito sa Passive Aave USD Strategy ng Stake DAO kung saan ang mga stablecoin (USDC, DAI, USDT) ay idineposito sa Curve Aave 3pool sa Polygon (Matic) Network. Ang mga am3crv LP token ay isinalansan sa strategy ng StakeDAO, na nagreresulta sa sdam3crv Shares.
Ang token na ito ay kumakatawan sa stacking ng 3 protocol (Aave, Curve at StakeDAO) na makikita natin sa pangalan ng panghuling token.