Anu-ano ang mga Synthetic Asset?
Ang mga synthetic asset ay mga anyo ng crypto-asset na nakukuha ang kanilang halaga mula sa iba pang asset sa ecosystem, na maaaring nasa o wala sa blockchain. Ang mga ito ay isang uri ng derivative.
Ang mga derivative, sa tradisyonal na termino, ay mga kontrata na nagbibigay sa mga nagmamay-ari nito ng mga espesyal na karapatan na bumili o magbenta ng ilang partikular na asset sa mga paunang natukoy na presyo o predetermined prices. Ang mga derivative ay isang paraan ng pagkuha o pag-off-load ng panganib sa mas sopistikado at mas epektibong paraan kung saan ito ay mas possible kumpara sa direktang pagmamay-ari lamang ng asset.
Ang mga synthetic asset, kung gayon, ay anyo ng mga token na kung saan ang mga ito ay digital na representasyon ng kanilang mga derivative. Dala nila ang mga umiiral na kalamangan ng mga cryptocurrency tulad ng paglikha na hindi nangangailangan ng permiso at global liquidity, habang nilalampasan ang isang pangunahing problema sa mga tradisyonal na derivatives: panganib sa gitnang partido. Nangangahulugan ito na walang sentral na partido ang may pribilehiyong kontrol sa paglikha at pagpuksa ng mga derivatives.
Ang mga synthetic asset ay lubos na nagpapakita ng tagumpay sa hinaharap dahil sa kanilang kakayahang i-tokenize ang anumang real world asset sa blockchain. Nakakita na kami ng mga halimbawa ng mga synthetic asset na sumusubaybay sa halaga ng malalaking kumpanyang ipinakalakal sa publiko at iba pang karaniwang kinakalakal na mga produkto tulad ng ginto. Ang parehong teknolohiya ay maaaring umabot upang masakop ang maraming iba pang mga anyo ng mga kultural na artefact (hal. meme, musika, painting) at mga legal na pribilehiyo (hal. panandaliang pagrenta ng bahay).