Ano ang Wallet?
Ang wallet ay isang piraso ng software na kayang humawak ng cryptocurrencies sa pamamagitan ng pag-imbak ng kanilang pribadong keys, na ginagamit kasabayan ng naaangkop na pampublikong keys. Maraming uri ng wallets na pwedeng gamitin, ang mga ito ay ikinategorya bilang: mobile, hardware, desktop and web wallets.
Ang mga wallets ay kapaki-pakinabang dahil hindi na natin kinakailangang kabisaduhin o isulat ang mga mahahabang cryptographic keys, sa halip ay mas mapagtutuunan ng pansin ang mga passwords at key phrases, na mas madaling kabisaduhin.
Kapag nagba-browse ng mga wallets maaari mo ring makita ang dalawang terms na ito: ‘Cold Wallet’ o ‘Hot Wallet’. Ang mga ‘Cold Wallet’s ay mga wallet na hindi konektado sa internet. Kabaliktaran naman nito ay ang mga ‘Hot Wallets’, na konektado sa internet. Tulad ng iyong hinala, ang mga Cold wallets ay mas ligtas gamitin at inirerekomenda naming gamitin kapag ikaw ay nagtataglay ng mga coins na may malaking halaga. Kapag ikaw ay may maliit na halaga ng mga coins at regular mong ginagamit ang iyong wallet mas madaling gamitin ang Hot wallet.