Ano ang Stablecoin?
Ang stablecoin ay isang uri ng cryptocurrency na ang halaga ay nakabitin sa isang asset. Ang asset na ito ay maaaring isa pang cryptocurrency (o basket ng cryptocurrency), fiat na pera gaya ng Dolyar at Euro o kahit na mga kalakal tulad ng ginto. Ang mga stablecoins ay naglalayong bawasan ang volatility (biglaang pagtaas o pagbagsak ng halaga ng asset) kumpara sa iba pang cryptocurrency kagaya ng Bitcoin o Ethereum, at nag-aalok sa mga nagbebenta at bumibili ng mas mahusay na katiyakan na ang halaga ng mga asset na kanilang kinalakal ay hindi tataas o babagsak ng biglaan. Depende sa nakapailalim na asset na nagba-back up sa stablecoin, maraming uri ng advantages at disadvantages ang maaaring lumitaw, tulad ng ipinakita sa mga sumusunod na seksyon.
Habang sa maraming mga kaso ang nais na presyo ng stablecoin ay kapareho ng presyo ng asset na nagba-back up dito (kolateral), may mga kaso na ito ay maaaring mag-iba. Ang magandang halimbawa ay ang DAI stablecoin na gawa na MakerDAO. Ang DAI ay dinisenyo upang panatilihin ang presyo nito na maging malapit sa halaga ng dolyar hanggat maaari, pero ang kolateral na maaaring magamit ay pwedeng ether o iba pang cryptocurrency.
Mga Stablecoins na Bina-back up ng Fiat
Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang fiat-backed stablecoins (FBS) ay mga token na nauugnay sa halaga ng isang partikular na Fiat currency. Karaniwan, ang mga token na ito ay batay sa dolyar ng Estados Unidos at hinahawakan ang kanilang halaga sa isang ratio na 1: 1. Ang katatagan ng naayos na halaga ay nagmula sa katotohanang ang kumpanya na nag-aalok ng stablecoin ay may isang malaking reserba ng backing fiat na pera, at kukunin lamang ang isang bilang ng mga stablecoin na eksaktong sumasalamin sa halaga ng reserba na ito.
Habang ang mga gumagamit ay kailangang magtiwala sa mga third party na nag-aalok ng mga stablecoin, ang mga FBS (Fiat Backed Stablecoins) ay madali namang maintindihan at mas hindi madaling magpabago-bago ang halaga kumpara sa ibang mga alternatibo.
Ang isa pang pangunahing pag-aalala sa FBS sa cryptocurrency ecosystem ay dahil sa kadahilanang kaanib sila sa mga fiat currency, sila ay apektado ng kontrol at mga patakaran ng gobyerno na naglalabas ng fiat currency, ibig sabihin sila ay madaling kapitan ng mga istrukturang problema ng sentralisasyon.
Mga Cryptocurrency Backed Stablecoins
Ang mga Cryptocurrency Backed Stablecoins (CBS) ay ang mga gumagamit ng crypto-assets bilang kanilang stabilizing reserba. Ang prinsipyo ng pagtatrabaho ay katulad ng FBS, na may pangunahing pagkakaiba sa proseso ng pag-back para sa FBS dahil ito nagaganap sa labas ng chain, ibig sabihin sa tradisyunal na sistemang pampinansyal at ligal, habang sa CBS ang pag-back ay nagaganap on-chain, ibig sabihin, ang backing asset ay lubos na malaya sa tradisyunal na pananalapi at buhay sa blockchain (hal. Ether). Ito ay may malaking kalamangan sa mga tuntunin ng pagtitiwala, dahil ang halaga at likas na katangian ng reserba na pera ay bukas sa pagsusuri ng publiko dahil sa desentralisadong katangian ng platform.
Gayunpaman ang mga problema sa CBS ay nag-crop sa nakaraan kung saan nahirapan sila sa pagpapanatili ng kanilang peg sa pagitan ng backing asset at ng inisyu na stablecoin.
Non-collateralised Stablecoins
Ang mga non-collateralised stablecoins ay yaong mga nagpapanitili sa katatagan ng kanilang presyo na walang kasamang mga backing asset, (i.e, walang gamit na mga kolateral). Ang mga token ay umaasa sa isang algoritmo na maaaring baguhin ang dami ng supply ng token kung kinakailangan upang mapanatili ang presyo ng token. Ang mga hindi collateralized na stablecoin ay umaasa sa mga smart contract upang magbenta ng mga token kung ang presyo ay bumaba sa ibaba ng peg (ibig sabihin, ang nais na matatag na presyo) o upang magbigay ng mga token sa merkado kung tumaas ang halaga. Sa ganitong paraan, mananatiling matatag ang token at humahawak sa peg nito.
Ang pinakamalinaw na kalamangan sa Non-collateralised Stablecoins ay dahil hindi sila umaasa sa anumang pool ng mga backing assets, hindi nila dinadala ang alinman sa mga downsides ng sentralisasyon. Sa halip, maaaring masuri ng mga namumuhunan at ilagay ang tiwala sa disenyo ng smart contract. Gayunpaman, ang mga mekanismong ginamit dito ay may posibilidad na maging kumplikado, na nangangahulugang hindi palaging malinaw sa lahat kung ang kalalabasan ay kapareho sa kung ano ang plano.