Ano ang Proof of Work?
Sa mga perang inisyu ng gobyerno (fiat currencies) kagaya ng dolyar o euro, ang sentral na awtoridad tulad ng gobyerno o bangko ang may responsibilidad na magsubaybay sa lahat ng pera na nasa sirkulasyon, tinitiyak nito na ang mga third-party ay hindi maaaring makapaglabas ng mga bagong pera.
Sa Bitcoin at iba pang mga cryptocurrencies, ang mga minero ang pumapalit sa papel ng bangko sentral, tinitiyak ng mga ito ang seguridad ng network at sinisigurado na walang mga bagong baryang naiisyu o mga barya na nagagastos ng doble.
Ang mga minero ay mga kalahok ng blockchain na nag-aambag ng mga mapagkukunan tulad ng processing power (CPU) upang makatulong na panatilihin ang listahan ng mga bloke at ang mga transaksyon sa loob ng mga ito. Ginagawa nila ang mga ito sa pamamagitan ng paglutas ng mga kumplikadong puzzles sa matematika, dahil dito ay napapatunayan ang pagiging totoo ng mga transakyon (ang isang tao ay gumagamit ng ‘real world resources’ upang magawa ang mga transaksyong nabanggit.) Sa bawat bagong bloke na namimina, isang maliit at bagong halaga ng currency ang nabubuo na nagsisilbing gantimpala ng nagmimina.
Ang mekanismo na inilalarawan sa itaas ay pormal na kilala bilang Proof of Work o karaniwang kilala bilang Mining o pagmimina. Habang ang PoW ay isa sa pinakaunang naipatupad na uri ng pagmimina, marami pang iba ang nasa public domain sa kasalukuyan, kagaya ng Proof of Stake (PoS) at Proof of Elapsed Time (PoET).