Ano ang DeFi?
Decentralized Finance, o DeFi, ay isang umbrella term na naglalarawan sa mga bukas na produkto at serbisyo na naglalayong magbigay ng alternatibo sa mga inaalok ng mga sentralisadong institusyon, kagaya ng bangko, credit unions, o insurance funds.
Sa pagsasagawa, pinapayagan ng DeFi ang sinumang may internet connection na ma-access ang mga serbisyong pinansyal, kagaya ng paghiram, pagpapautang, at pangangalakal, ng walang mga paghihigpit na mararanasan nila gamit ang mapagkakatiwalaang (sentralisadong) institusyon.
Ang DeFi ay hindi lamang nag-aalok ng alternatibo sa tradisyunal na pananalapi, kundi patuloy din itong nagsasaliksik upang mas mapaunlad pa ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pera, nag-aalok ng mas mababang gastos, mas mabilis, at mas flexible na mga produkto at serbisyo.
Ang mga serbisyong ito ay karaniwang na-access gamit ang mga aplikasyong ginawa sa tuktok ng mga desentralisadong protocols (blockchain), at mas kilala bilang Dapps (desentralisadong aplikasyon). Mula Mayo 2021, mayroong higit sa 130 bilyong naka-lock sa DeFi sa humigit-kumulang na 100 mga platform.