Ano ang DAO?
Ang DAO, o ang Decentralised Autonomous Organisation ay isang bagong paraan kung paano magkakasama-sama ang mga pamayanan upang lumikha at magbahagi ng halaga sa internet, habang naka-ugat sa mga prinsipyo ng desentralisasyon at demokrasya. Ang mismong organisasyon ay gumagana batay sa mga panuntunang malinaw na naka-encode sa bukas na platform (gaya ng blockchain), taliwas sa naiimpluwensyahan ng kapangyarihang sentral kagaya ng gobyerno.
Ang Stake DAO ay isang magandang halimbawa kung saan ang mga paunang pagsisikap ay resulta ng isang pangkat ng mga nag-aambag, subalit ang mga pangunahing desisyon para sa protocol ay unti-unting pamumunuan ng pamayanan nito. Kung ang pag-uusapan naman ay ang ay kasalukuyan at ang patuloy na pag-unlad, ang mga myembro ng DAO ay malayang makilahok at gumawa ng mga bagong kontribusyon.