Ano ang Central Limit Order Book?
Ang Central Order Limit Book (CLOB) ay ang batayan sa pinakaunang uri ng exchange, partikular ang mga stock exchange tulad ng NYSE. Sa kasalukuyan, ang modelong ito ay sinusundan ng isang bilang ng mga crypto exchange tulad ng Coinbase, Binance at Kraken. Ang CLOB ay isang paraan para mapag-ugnay ang mga aktibidad sa merkado. Tinutulungan nito ang mga liquidity provider at mga trader na magkasama upang tumuklas at tuparin ang kanilang mga order.
Ang mga market makers ay nagsusumite ng kanilang hangaring mai-transact ang kanilang mga asset sa exchange, tinutukoy ng mga ito ang mga pangunahing impormasyon gaya ng presyo, bilang, at direksyon ng hangarin (bumili o magbenta). Kinokolekta ng exchange ang lahat ng mga hangarin (orders) sa isang database (and order book). Ang exchange ang nagsasaayos at naglalathala ng order book sa lahat ng mga gumagamit nito. Upang makumpleto ang transaksyon, dapat na tanggapin ng isa pang partido (isang tagakuha) ang mga presyo at dami na available sa order book. Ang operator ng exchange ay itinutugma ang pagtanggap ng tagakuha (ang market order) sa kaukulang order sa order book na tumutupad sa order ng tagakuha sa kasalukuyang pinakamainam na presyo.
Ang pangunahing elemento ng prosesong ito ay order matching. Karamihan sa mga CLOB exchange ay nagsasagawa ng aktibong diskarte at nagtutugma ng mga order tuwing nag-o-overlap ang mga order ng mga tagabili at tagabenta. Kapag ang mga maramihang order ay ipinasok sa parehong presyo, ang mga CLOB exchange ay nagpapatupad ng mga algoritmo upang unahin ang mga ito, kadalasan itong sumusunod sa first-in, first-out (FIFO) policy.
Habang ang lahat tungkol sa isang CLOB ay katangian ng sentralisasyon, mayroon ding mga paraan ng pagpapatakbo ng isang desentralisadong CLOB, kung saan ang isang exchange operator ay may kaunting impluwensya. Sa kasong ito, ang exchange ay nagsasagawa ng hands-off approach mula sa pagtutugma ng mga order, at lantarang ipinapahayag ang mga naisumiteng mga order, upang ang mga ito ay mapunan ng sinumang tagakuha.
Ang isa pang paraan na maaaring maging desentralisado ang isang CLOB ay sa pamamagitan ng naunang asset custody. Nangangahulugan ito na ang mga asset ay laging nasa kontrol ng mga mamimili at nagbebenta, at hindi kailanman mapupunta sa kontrol ng mga exchange. Ang mga transaksyon ay pinapabilis ng mga smart contract na direktang nagsasaayos ng mga asset sa pagitan ng market makers at takers.