Ano ang Automated Market Maker?
Ang ilang desentralisadong exchange ay umaasa sa liquidity pools upang magbigay ng liquid market para sa isang naibigay na pares ng token. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagdedeposito ng dalawang assets sa liquidity pool ng DEX protocol sa isang tukoy na ratio (karaniwan dito ay mga assets na may magkakaparehong halaga). Pagkatapos, ang sinumang gumagamit ay maaaring ipagpalit ang pares nang direkta sa pool, sa pamamagitan ng pagswap ng isa asset para sa isa pa.
Hindi tulad sa Order Book Model, ang mga presyo ay hindi natutukoy ng mga bid at ask orders, ngunit sa halip ay awtomatikong tumutugon sa supply at demand sa pamamagitan ng isang smart contract na kilala bilang isang Automated Market Maker (AMM). Ang pinakasimpleng AMM ay ang constant product model, na ginagamit ng Uniswap, at kinokontrol ang presyo sa pamamagitan ng pagpapanitiling constant ng mga produktong matematika at halaga ng dalawang assets. Samakatuwid, kapag may heavy demand para isang asset, ang presyo nito ay awtomatikong tataas upang matiyak na ang produkto ay mananatiling pareho. Bukod dito, ang presyo ay laging kapareho sa presyo ng iba pang mga exchange dahil sa arbitrage: sa agarang panahon kapag mayroong pagkakaiba, ang mga arbitrageurs (kadalasang mga automated program) ay papasok at kukuha ng kita (profit) sa pagkakaiba ng presyo sa pagitan ng dalawang exchanges, hinihimok nito ang presyo sa umiiral na antas ng merkado.