Paano Ako Mag-uumpisa sa Defi Gamit ang Stake DAO?

Nov 1, 2021 1 min read

Ginagawa ng Stake DAO na talagang simple para sa sinuman na magsimulang lumahok sa DeFi, gamit ng aming email-based na login experience. Sa kauna-unahang pagkakataon na i-enter mo ang iyong email, isang bagong wallet ang mabubuo gamit ang Magic, at mapapasok mo ang platform gamit ang one-time link na matatanggap mo sa iyong inbox. Sinusunod ang parehong pamamaraan para sa mga kasunod na pag-login, pinapanatili nito ang mga bagay na walang password at non-custodial. Sa ganitong paraan, alinman sa Stake DAO o Magic ay hindi kailanman magkakaroon ng pag-access sa iyong pribadong key o pondo, at ang tanging responsibilidad mo lamang ay panatilihing ligtas ang iyong email.

Bilang kahalili, maaari kang mag-set up ng wallet ng mag-isa gamit ang isang kilalang serbisyo gaya ng metamask. Sa kasong ito, sundin ang mga panuto sa screen upang lumikha ng bagong address, ta secure na i-backup ang iyong pribadong key at secret seed phrase. Pagkatapos, buksan ang exchange Dapp at ikonekta ang iyong wallet (ito ay nagbibigay-daan lamang sa DEX na makita ang iyong pampublikong address at hindi nagkakaroon ng gas fee). Kapag nahanap mo ang pares na gusto mong i-trade, i-type ang halaga at swap, at pagkatapos ay kailangan mong kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet. Mag-ingat sa bayarin sa gas, gayunpaman: kung ito ay mataas, maaari mo itong manual na ilagay  pagkatapos suriin ang kasalukuyang average na presyo ng gas sa Etherscan o isa pang katulad na website. Tandaan na, kapag mas mababa ang bayad, mas magtatagal bago makumpirma ang transaksyon.

Kung bibili ka ng coin na bago lang sa listahan at wala pa sa default na listahan ng DEX, kailangan mong maging lubhang maingat na mayroon kang tamang link sa trading pair. Siguraduhin na kukunin mo ito sa opisyal na website ng proyekto o social media pages (at hindi sa isang page lamang na mukhang opisyal) - kahit sino ay maaaring gumawa ng ERC20 (o iba pang chain) token, marami ng mga pangyayari kung saan kapareho ngunit ganap na walang kwentang token na scam ang mga naibenta sa investors.

Great! Next, complete checkout for full access to Stake DAO Academy.
Welcome back! You've successfully signed in.
You've successfully subscribed to Stake DAO Academy.
Success! Your account is fully activated, you now have access to all content.
Success! Your billing info has been updated.
Your billing was not updated.